Bontoc MPS, sumaklolo sa pamilyang nasiraan ng sasakyan sa Sitio Balikyan

0
43

Ipinamalas ng mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station (MPS) ang mabilis na pagsaklolo sa isang pamilyang nasirang sasakyan, madaling-araw ng Setyembre 22, 2026, sa Sitio Balikyan, Bontoc, Mountain Province.

Bandang alas 1:30 ng madaling-araw, isang concerned citizen ang nagtungo sa Bontoc MPS upang iulat ang isang nakatirik na sasakyan sa naturang lugar. Dahil may mga batang sakay nito, agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Bontoc MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Robert B Sagandoy, Chief of Police, upang alamin ang sitwasyon at magpaabot ng kinakailangang tulong.

Pagdating ng mga pulis, nakita nilang nakatabi sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Ayon sa driver, wala siyang dalang kagamitan upang maayos ang problema. Agad namang naghanap ng paraan ang mga pulis at nagtungo sa Dantay, Bontoc upang makahiram ng kinakailangang tools at piyesa mula sa isang residente. Matapos makuha ang mga ito, agad silang bumalik at tumulong sa pag-aayos ng sasakyan.

Ipinakikita ng insidente ang kahandaan at malasakit ng Inayan Cops ng Mountain Province Police Provincial Office sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon. Ang ganitong serbisyo ay sumasalamin sa patuloy na pagsasabuhay ng Pambansang Pulisya sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Mountain Province PPO (https://www.facebook.com/share/p/1HxbdVUx86/)

Leave a Reply