Ipinagpapatuloy ng General Santos City Police Office (CPO) ang pakikilahok nito bilang resource speakers sa ikalawang araw ng 5-day Security Awareness Seminar sa Goldenstate College-General Santos City, na may temang “Strengthening Campus Security Awareness: Building a Safe, Alert, and Resilient Goldenstate Community.”
Dinaluhan ang aktibidad ng humigit-kumulang 1,600 first-year college students, kung saan nasa 800 ang dumalo sa morning session at isa pang 800 sa afternoon session. Layunin nitong mapalakas ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa campus safety, crime prevention, at paghahanda sa mga emergency.
Tinalakay ni Pat Joy Pastrana ng Police Station 3 ang Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, habang ipinaliwanag naman ni PSSg Jinky T. Gamutin ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU) ang Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act at Republic Act No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995.
Samantala, tinalakay naman ni PLt Aileen D. Alforte ng CCADU ang usapin ng gangs at karahasan sa paaralan, na nakatuon sa kahalagahan ng kamalayan at pag-iwas sa mga insidenteng may kaugnayan sa school violence.
Ibinahagi rin nina PSSg Jowel Lumbab ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Pat Katrina Fuego ng City Mobile Force Company (CMFC) ang tungkol sa Active Threat Response, kabilang ang mahahalagang kaalaman sa mga nararapat na hakbang pangkaligtasan sa oras ng emergency.
Bahagi ang aktibidad ng “SAFE AND SECURED GENSAN” at sinusuportahan nito ang Safe Schools and Protected Sectors initiative ng General Santos CPO sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mas ligtas na learning environment, pagpapalakas ng safety awareness ng mga estudyante, at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at mga institusyong pang-edukasyon.
Nanatiling nakatuon ang General Santos CPO sa pakikipagtulungan sa mga paaralan upang makabuo ng ligtas, alerto, at matatag na komunidad ng mga mag-aaral na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source link: https://www.facebook.com/share/p/1F1yqUbvCu/

