El Nido MPS, agad sumaklolo sa sugatang motorista sa Brgy. Villa Libertad, Palawan

0
31

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng El Nido Municipal Police Station (MPS) sa isang sugatang motorista kasunod ng naganap na vehicular accident sa Brgy. Villa Libertad, El Nido, Palawan, noong Setyembre 18, 2026.

Kabilang sa mga rumesponde sina PMSg Joeann M. Bustamante at Pat Peter Errol P. Jagmis, kapwa mga tauhan ng El Nido MPS.

Agad na binigyan ng paunang lunas ng mga tauhan ng kapulisan ang nasugatan bago ito isinugod sa El Nido Community Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

Ang agarang pagresponde ng El Nido MPS ay nakatulong upang matiyak ang kaligtasan at agarang pangangalaga sa biktima. Bahagi ito ng pangunahing adhikain ng Pambansang Pulisya na maghatid ng maagap at maaasahang serbisyo publiko, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GidivqTDS/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply