San Guillermo MPS, pinaigting ang Health at Anti-drug Awareness sa mag-aaral ng Southern Isabela Academy Inc.

0
23

Pinaigting ng San Guillermo Police Station, katuwang ang Isabela Police Provincial Office, ang kampanya para sa kalusugan at kaligtasan ng kabataan sa pamamagitan ng Adolescent and Health Symposium na isinagawa sa Southern Isabela Academy Inc., Brgy. Centro 1, San Guillermo, Isabela, noong Setyembre 17, 2026.

Isinagawa ang Anti-Drug Awareness Campaign sa pangunguna ni PMSg Nestle Cortado, na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa masasamang epekto at panganib ng ilegal na droga, gayundin sa kahalagahan ng paggawa ng responsableng desisyon upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, kaligtasan, at kinabukasan.

Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon, gabay ng mga magulang, at pakikipagtulungan sa mga guro at kapulisan, higit na mapapalakas ang kanilang kamalayan at kakayahang umiwas sa masasamang bisyo at negatibong impluwensya.

Patuloy namang nakikiisa ang San Guillermo Police Station sa mga paaralan at iba pang katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng kabataan, bilang bahagi ng pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DKacueW5r/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply