Matagumpay na narekober ng mga operatiba ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang apat na hindi rehistradong baril matapos ipinatupad ang Search Warrant sa isang suspek sa Brgy. Tubigagmanak, Asturias, Cebu, nito lamang September 14, 2026.
Nag-ugat ang operasyon sa isang ulat mula sa isang concerned citizen na nakita umanong may dalang baril ang suspek. Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang kapulisan na nagresulta sa pagsisilbi ng search warrant sa suspek.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 8, Toledo City, Cebu, kung saan narekober ang isang .38 caliber revolver na walang serial number na may apat na live .38 caliber ammunition, isang shotgun, at dalawang improvised rifles na mas kilala sa pangalan na “surik,” at iba pang mga ebidensya.
Agad namang inaresto ng kapulisan ang suspek matapos bigo itong makapagpakita ng mga kinakailangang dokumento upang magdala ng baril. Minarkahan naman ang mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng pinag-arestohan ng suspek sa presensya ng isang elected barangay official, at isang media representative.
“I commend the vigilance of the concerned citizen who reported the information to the police. This kind of community cooperation enables our personnel to take timely and lawful action and helps prevent potential harm and violence that may arise from the illegal possession of firearms. I likewise encourage our communities across Central Visayas to remain vigilant and promptly report any suspicious activities or information that may threaten public safety to the nearest police station” (Pinupuri ko ang pagiging mapagmatyag ng mga mamamayang nag-ulat ng impormasyon sa pulisya. Ang ganitong uri ng kooperasyon ng komunidad ay nagbibigay-daan sa ating mga tauhan na gumawa ng napapanahon at legal na aksyon at nakakatulong na maiwasan ang mga potensyal na pinsala at karahasan na maaaring magmula sa ilegal na pagmamay-ari ng mga baril. Hinihikayat ko rin ang ating mga komunidad sa buong Central Visayas na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad o impormasyon na maaaring maginf banta sa kaligtasan ng publiko), pahayag pa ni PBGen Arnold E Abad, PRO7 Regional Director.
Ang operasyon ay bahagi sa adhikain ng “Bagong PNP Para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” kung saan tinutukan ng PRO7 ang pagpapaigting sa kampanya kontra loose firearms sa lahat ng mga komunidad sa Central Visayas.
Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasalukuyang nasa custodial facility ng Asturias Municipal Police Station
Source: https://www.facebook.com/share/p/18aLhHF6qu/

