Nakiisa ang Piat Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PMSg Arlene Licayu, sa “Dugong Magiting” Bloodletting Activity na isinagawa noong Setyembre 16, 2026 sa Multi-Purpose Hall, Camp Tirso H. Gador, Tuguegarao City, Cagayan.
Bilang bahagi ng aktibidad na pinangunahan ng Cagayan Police Provincial Office, boluntaryong nag-donate ng dugo ang mga tauhan ng Piat Police Station bilang pagpapakita ng malasakit at pakikiisa sa mga nangangailangan ng dugo.
Layunin ng bloodletting activity na itaguyod ang kahalagahan ng regular na pagdo-donate ng dugo at hikayatin ang mas maraming indibidwal na makiisa sa mga gawaing pangkalusugan at pangkomunidad. Ipinakita rin ng aktibidad ang dedikasyon ng PNP na maglingkod, mangalaga, at tumugon sa pangangailangan ng mamamayan sa iba’t ibang paraan.
Patuloy na nakikiisa ang Piat Police Station sa mga programang naglalayong makatulong sa kapwa at mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, bilang bahagi ng pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1GxCuDY4Uq/?mibextid=wwXIfr
Panulat ni Pat Leinee C Lorenzo

