Dalawang Wanted Persons sa kasong robbery at paglabag sa R.A. 9165, arestado ng  Bacolod CPO

0
24

Naaresto ng mga tauhan ng Bacolod City Police Office (CPO) sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang wanted person sa Bacolod City, noong September 16, 2026.

Dakong alas 3:12 ng hapon, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 1, sa pangunguna ni PMaj Eugene G Tolentino, katuwang ang Bacolod CPO Tracker Team na pinamumunuan ni PLtCol Jake P. Barila, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 29 anyos na si alyas “Rolly,” residente ng Brgy. 14, sa kahabaan ng San Juan Street, Brgy. 12.

Ang suspek ay itinuturing na Rank 7 Most Wanted Person ng nasabing himpilan at inaresto batay sa warrant kaugnay ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165. Ang nasabing warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 45 para sa agarang pagpapatupad ng sentensiya.

Samantala, dakong alas 4:13 ng hapon, isinagawa naman ng mga tauhan ng Police Station 8, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Patrick Pol L Lacandula, ang pagsisilbi ng backlog warrant of arrest sa NHA Village, Brgy. Pahanocoy.

Dito naaresto ang 36 anyos na si alyas “Cornelio,” residente ng Brgy. Taculing, na wanted dahil sa kasong Robbery. Ang warrant ay inisyu noong Nobyembre 2018 ng Regional Trial Court Branch 42, na may inirekomendang piyansang Php24,000.00.

Bahagi ang magkahiwalay na operasyon sa patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na tugisin at papanagutin ang mga indibidwal na may umiiral na warrant of arrest, habang tinitiyak na ang bawat operasyon ay isinasagawa alinsunod sa itinakdang proseso at batas.

Layunin din ng mga operasyong ito na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad at matiyak na ang mga taong may kinakaharap na kaso ay haharap sa hustisya alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at legal na disposisyon.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E9KBdKRvA/

Leave a Reply