Bilang pagpapakita ng malasakit at pakikiisa sa komunidad, nakiisa ang mga personnel ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa isinagawang Bloodletting Activity noong Setyembre 12, 2026, sa Grade School Activity Room, St. Paul University Philippines, Tuguegarao City.
Sa pamamagitan ng boluntaryong pag-aalay ng dugo, ipinakita ng mga kapulisan ang kanilang malasakit sa mga nangangailangan at kahandaan na makatulong sa pagliligtas ng buhay, higit pa sa kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Ang bloodletting activity ay nagsilbing pagkakataon para sa mga pulis na makapag-ambag sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito, habang hinihikayat din ang iba pang miyembro ng komunidad na makiisa sa mga gawaing may direktang pakinabang sa kapwa.
Patuloy namang isinusulong ng 1st Cagayan PMFC ang mga programa at aktibidad na nagpapalakas sa ugnayan ng kapulisan at komunidad, bilang bahagi ng pagsusulong sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

