PRO BAR, pinaalalahanan ang publiko para sa ligtas na BARMM PE 2026

0
162

Nagpaalala ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa publiko na makiisa sa mga ipinatutupad na security measures ngayong Setyembre 14, 2026, kasabay ng 1st Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE). Layunin ng mga hakbang na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at seguridad ng mga botante at iba pang election stakeholders sa buong Bangsamoro region.

Hinikayat ang mga mamamayan na sumunod sa security checks at instructions ng mga awtoridad, manatiling alerto at mahinahon, at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na police personnel o awtoridad.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang lahat na huwag magdala ng armas o anumang ipinagbabawal na bagay, makipagtalo sa security personnel, o magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon. Sa halip, hinihikayat ang publiko na pairalin ang disiplina, paggalang sa proseso, at malasakit sa kapwa.

Sa patuloy na pagpapatupad ng mahigpit ngunit maayos na security measures, nakatuon ang PNP sa pagtiyak na mararamdaman ng bawat mamamayan ang seguridad at proteksiyong kailangan sa araw ng halalan, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO BAR (https://www.facebook.com/share/p/1EGL1SjfEK/)

Leave a Reply