Lagawe MPS, nagsagawa ng rescue operation sa mga na-stranded na residente sa biglaang pagtaas ng ilog sa Ifugao

0
51

Mabilis na sumaklolo ang mga tauhan ng Lagawe Municipal Police Station (MPS) sa isang na-stranded na residente sa Caba, Lagawe, Ifugao noong Setyembre 9, 2026, kasunod ng malakas na pag-ulan at biglaang pagtaas ng tubig at lakas ng agos ng ilog sa lugar.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Brenda B. Sumawang, Acting Chief of Police, agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Lagawe MPS sa Bureau of Fire Protection (BFP) Lagawe at mga concerned civilian upang maisagawa ang rescue operation. Ang na-stranded na indibidwal ay naghahanda sanang magmaneho ng dump truck na nakaparada malapit sa ilog nang biglang tumaas ang tubig at lumakas ang agos, dahilan upang hindi siya ligtas na makaalis sa lugar.

Sa pamamagitan ng maagap na pagtugon, koordinasyon, at pagtutulungan ng mga responders at concerned civilians, matagumpay na nailigtas ang indibidwal at ligtas na nailayo sa panganib.

Patuloy namang hinihikayat ng PNP ang publiko na umiwas sa pagtigil o pagparada malapit sa mga ilog, daluyan ng tubig, at iba pang lugar na madaling bahain kapag malakas ang ulan, at laging sumunod sa mga babala ng mga awtoridad. Kaakibat nito ang paninindigan ng PNP na maghatid ng maagap at maaasahang serbisyo sa oras ng pangangailangan, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Lagawe (https://www.facebook.com/share/v/1bBNGPoCY2/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply