MWP na tinaguriang Rank 5 Provincial at Rank 1 Municipal level sa kasong statutory rape, arestado sa Tayug, Pangasinan

0
56

Naaresto ng magkasanib na puwersa ng Tayug Municipal Police Station (MPS), bilang lead unit, at Regional Intelligence Unit 1 ang Top 5 Provincial Most Wanted Person  (MWP) at Top 1 Municipal Most Wanted Person sa Brgy. Legaspi, Tayug, Pangasinan, bandang ala 1:00 ng hapon, noong Setyembre 8, 2026.

Kinilala ang naaresto sa alyas “Jan Kevin,” residente ng nasabing brgy. Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong statutory rape, na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayug MPS ang naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at proseso alinsunod sa umiiral na batas.

Ipinakikita ng matagumpay na operasyon ang patuloy na pagtutulungan ng mga yunit ng PNP sa pagtugis sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga warrant of arrest. Patuloy namang pinaiigting ng PNP ang mga manhunt at intelligence operations upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Tayug MPS

Leave a Reply