Mabilis na sumaklolo ang mga tauhan ng Sto. Domingo Municipal Police Station (MPS) sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng tubig sa Barangay Pussuac, Sto. Domingo, Ilocos Sur noong Setyembre 3, 2026.
Sa pangunguna ni PLt Roger Retreta, Officer-in-Charge (OIC), agad na nagsagawa ng rescue at assistance operations ang mga tauhan ng Sto. Domingo MPS upang mailigtas at matulungan ang mga residenteng nalagay sa panganib dahil sa pagbaha.
Nakipag-ugnayan din ang kapulisan sa Philippine Army at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang matiyak ang maayos, ligtas, at mabilis na paglilikas sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pagtaas ng tubig.
Sa kabila ng mapanganib na sitwasyon, ipinakita ng mga pulis ang kahandaan at dedikasyon sa tungkulin sa pamamagitan ng agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Ang naturang operasyon ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na pangalagaan ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng publiko, lalo na sa panahon ng kalamidad, kaagapay ang komunidad sa diwa ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Sto. Domingo MPS Ilocos Sur



