Naaresto ng mga awtoridad ang Rank 5 Regional Most Wanted Person (MWP) ng MIMAROPA na nahaharap sa kasong murder sa isinakatuparang joint manhunt operation sa Arayat Boulevard, Purok 4B, Brgy. Pampang, Angeles City, Pampanga nito lamang September 4, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ng mga intelligence operatives ng Police Station 2, Angeles City Police Office, katuwang ang mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station (MPS) ng Occidental Mindoro Police Provincial Office; CIDMU-ACPO Tracker Team; CIU-ACPO; TSC-RMFB3; RIU3-CIT Angeles; Sta. Ana MPS, Pampanga PPO; RIU NCR-QCDIT; PIT Occidental Mindoro; at RIU 4B.
Inaresto ang 38 anyos na suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong January 11, 2023, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 45, San Jose, Occidental Mindoro, dahil sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code, nang walang piyansang inirekomenda.
Pinuri ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng PRO-MIMAROPA ang lahat ng mga operating units sa matagumpay na pagsisilbi ng naturang arrest warrant sa pamamagitan ng epektibong pakikipagkoordinasyon alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
“This successful arrest demonstrates the importance of close coordination and collaboration among our operating units and partner agencies. Through the timely sharing of information, coordinated intelligence efforts, and sustained manhunt operations, we are able to locate wanted persons and ensure that they are brought before the proper courts. We will continue to strengthen these partnerships in support of effective law enforcement and public safety” (Ang matagumpay na pagkakaaresto ay nagpapakita ng kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng ating mga operating unit at mga katuwang na ahensya. Sa pamamagitan ng maagap na pagbabahagi ng impormasyon, magkakaugnay na intelligence efforts, at tuloy-tuloy na manhunt operations, nagagawa nating matukoy at mahanap ang mga wanted person at matiyak na sila ay naihaharap sa nararapat na hukuman. Patuloy nating paiigtingin ang mga ugnayang ito bilang suporta sa epektibong pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng publiko), pahayag pa ni PBGen Dela Cruz.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1FG5gW5s5E/?mibextid=wwXIfr



