Mas pinaigting na seguridad, tiniyak ng PRO5 para sa pagdaraos ng National Heroes Day

0
123

Mas pinalakas pa ng Police Regional Office 5 (PRO5), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn G. Silvio, Regional Director, ang mga hakbang na pangseguridad para matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos na paggunita sa National Heroes Day sa darating na Agosto 31, 2026, sa buong Bicol Region.

Bahagi nito ang pagpapakilos sa mga tauhan ng pulisya sa ilalim ng KASUROG C.A.R.E. (Crowd Management Advanced Reactionary Force Engagement) upang mapahusay ang crowd management, maiwasan ang mga posibleng banta, at matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang insidenteng maaaring mangyari.

Inatasan din ang mga police unit sa rehiyon na paigtingin ang police visibility, intelligence monitoring, area security, at preventive patrol operations, lalo na sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao tulad ng mga memorial sites, mga pampublikong plaza, mga government centers, mga transportation terminals, mga lugar ng pagsamba, at iba pang lugar na pagdarausan ng mga aktibidad.

Patuloy din ang operasyon ng kapulisan bago, habang, at matapos ang paggunita upang mapigilan ang anumang uri ng krimen at agad na matugunan ang mga umuusbong na usaping pangseguridad.

Samantala, madiskarteng itatalaga ang karagdagang police personnel, mobile patrol units, quick-response teams, at reactionary teams sa mga pangunahing lugar upang maging handa sa agarang pagresponde kung sakaling kinakailangan. Nakipag-ugnayan na rin ang PRO5 sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya, event organizers, at stakeholders para sa masusing threat monitoring, security assessment, area inspection, traffic management, at maayos na palitan ng impormasyon. Sa pamamagitan nito, matutukoy agad ang mga posibleng panganib at maihahanda ang angkop na contingency measures.

Binigyang-diin ng PRO5 na mahigpit na ipatutupad ng mga pulis ang paggalang sa karapatang pantao, rule of law, maximum tolerance, propesyonalismo, at proportionality sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Hinihikayat naman ng pamunuan ang publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa mga alituntunin sa kaligtasan at trapiko, at agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad o usaping pangseguridad.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DQjHiBupn/

Leave a Reply