Rank 3 Municipal Most Wanted Person sa kasong qualified theft, arestado ng Bocaue PNP

0
530

Naaresto ng mga operatiba ng Bocaue Municipal Police Station ang No. 3 Most Wanted Person Municipal Level na isang 26 taong gulang na lalaki na residente ng Brgy. Bambang, Bocaue, Bulacan, noong Agosto 27, 2026, bandang 7:30 ng gabi, sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert C Diaz, hepe ng Bocaue MPS, isinagawa ng Tracker Team ng Bocaue MPS ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 5 counts of Qualified Theft sa ilalim ng Criminal Case Nos. 1472-M-2026 hanggang 1476-M-2026 na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php150,000.

Sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na pinaigting ng Bulacan PNP ang operasyon laban sa mga wanted persons upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan.

Samantala, patuloy na pinapaalalahanan ng Bulacan PNP ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso na sila ay patuloy na tutugisin ng mga awtoridad upang maiharap sa kaukulang hukuman. Ang matagumpay na operasyon ay naaayon sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply