103rd MC ng RMFB1, pinaigting ang kaalaman ng mga BPAT sa arresting techniques at pro-baton

0
259

Pinaigting ng mga tauhan ng 103rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (103rd MC, RMFB1) ang kaalaman at praktikal na kakayahan ng mga barangay peacekeepers sa wastong pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng lecture sa Arresting Techniques at Pro-Baton sa Brgy. Hall ng Maria Cristina West, Bangar, La Union noong Agosto 27, 2026. Pinangunahan ni PLt Hazelyne Pearl B. Magora, CAS PCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Johnny G. Fata-ek, Company Commander, ang nasabing aktibidad.

Isinagawa ang lecture bilang suporta sa Project “Yaman ken Ayat ti PNP Agpaay ti Kadwa Para ti Kappia” (Project Y.A.P.P.A.K.K.) ng Bangar Municipal Police Station (MPS), kasabay ng taunang Katarungang Pambarangay (KP) at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Training para sa mga barangay officials at barangay tanods. Layunin nitong mabigyan ang mga kalahok ng dagdag na kaalaman sa tama, ligtas, at naaayon sa batas na paggamit ng mga arresting techniques at pro-baton.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng wastong pamamaraan at pag-iingat sa pagpapatupad ng mga tungkulin upang makatulong ang mga community peacekeeper sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kani-kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng patuloy na capability-building, mas napapalakas ang kahandaan ng mga barangay personnel bilang katuwang ng kapulisan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Ipinapakita ng naturang inisyatiba ang patuloy na pagsusulong ng PNP sa matatag na police-community partnership at pagbibigay-kakayahan sa mga community peacekeepers. Sa sama-samang pagkilos ng PNP, barangay officials, at mamamayan, higit na napapalakas ang seguridad at kaayusan sa mga komunidad, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 103rd MC, RMFB1 (https://www.facebook.com/share/p/1CGCNyKFtg/)

Leave a Reply