Bilang pagtalima sa internal cleansing initiative ng Pambansang Pulisya, pinangunahan ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA, ang paglulunsad ng regionwide mandatory drug test para sa lahat ng mga PNP personnel sa rehiyon nito lamang August 24, 2026.
Ang naturang drug testing ay naunang inilunsad sa mga camp-based personnel, sa pamamagitan ng Regional Forensic Unit MIMAROPA bilang bahagi sa hangarin ng PNP na tiyaking isinasabuhay ng buong hanay ang pinakamataas na pamantayan ng integridad, propesyonalismo, at pananagutan.
Paliwanag pa ni PBGen Dela Cruz na nagpapatuloy ang internal cleansing program ng PNP sa pangunguna ni Chief PNP, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., hindi lamang sa buong PRO MIMAROPA kundi maging sa lahat ng yunit ng pulisya sa buong bansa.
“The credibility of the PNP begins with the integrity of its personnel. We will continue to uphold a culture of accountability, discipline, and zero tolerance for illegal drugs within our ranks. This initiative sends a clear message that PRO MIMAROPA will not compromise the standards expected of every police officer and will remain steadfast in protecting the trust of the communities we serve.” (Nagsisimula ang kredibilidad ng PNP sa integridad ng mga tauhan nito. Patuloy nating itataguyod ang kultura ng pananagutan, disiplina, at zero tolerance sa paggamit at pagkalat ng ilegal na droga sa hanay ng ating kapulisan. Malinaw na ipinapakita ng inisyatibong ito na hindi ikokompromiso ng PRO MIMAROPA ang mataas na pamantayang inaasahan sa bawat pulis at mananatiling matatag sa pangangalaga sa tiwala ng mga komunidad na ating pinaglilingkuran), saad pa ni PBGEN Dela Cruz.
Magkakaroon din ng mga mandatory drug testing sa lahat ng mga Police Provincial Office ng rehiyon upang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng programa na nakabatay sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1LVajK4Q9d/?mibextid=wwXIfr



