Rank 2 Most Wanted Person ng Valenzuela City sa kasong rape, arestado sa Camarines Sur

0
179

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang Rank 2 Most Wanted Person ng Valenzuela City Police Station sa bisa ng warrant of arrest bandang alas 12:45 ng madaling-araw noong Agosto 25, 2026, sa Brgy. Bitaogan, Presentacion, Camarines Sur.

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Al,” 42 anyos at residente ng Presentacion, Camarines Sur. Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na tauhan ng Presentacion Municipal Police Station, Camarines Sur Police Provincial Office bilang lead unit, katuwang ang Valenzuela City Police Station-Northern Police District (NPD), National Capital Region Police Office, at Regional Intelligence Unit 5–PIT 2. May kinakaharap umanong kaso na may kaugnayan sa rape ang suspek na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa Presentacion MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa itinakdang proseso.

Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PRO5, sa pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director, na tugisin at panagutin ang lahat ng mga wanted person saanman sila matagpuan.

Patuloy na pinaiigting ng PRO5 ang kampanya laban sa kriminalidad alinsunod sa PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations, upang palakasin ang koordinasyon at operasyon ng mga yunit ng pulisya at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong Bicol Region.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EC4oLvdm8/

Leave a Reply