Arestado ang isang 34 anyos na tricycle driver matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu at isang caliber .45 na baril sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad dakong 3:00 ng hapon noong Agosto 25, 2026 sa Purok Wal, Brgy. Tambler, General Santos City.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek sa alyas na “Hangin,” 34 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Brgy. Tambler.
Pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit, katuwang ang General Santos City Intelligence Unit at General Santos City Police Station 5 ang operasyon laban sa suspek.
Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang police poseur-buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 0.2 gramo ng hinihinalang shabu.
Nang isailalim sa body search kasunod ng kanyang legal na pagkakaaresto, narekober sa suspek ang tatlong malalaki at apat na maliliit na heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 16.2 gramo at tinatayang halaga na Pho110,160, isang caliber .45 pistol na may nakakabit na magazine na naglalaman ng apat na bala, buy-bust money, Pho1,050 cash, tatlong identification card, isang asul na disposable lighter, digital weighing scale, itim na smartphone, at Mentos.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng suspek
Binigyang-diin ni PBGen Manibog, na patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimeng nagbabanta sa seguridad ng mga komunidad na napapaloob sa layunin na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.
Source: Police Regional Office 12



