59 Cagayano cops, sumailalim sa 2-day First Aid at Basic Life Support Training

0
147

Matagumpay na isinagawa ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang dalawang araw na First Aid and Basic Life Support (BLS) Training para sa 59 Cagayano Cops mula sa iba’t ibang istasyon at yunit mula Agosto 24 hanggang Agosto 25, 2026, sa Cagayano Cops Multipurpose Hall, Camp Tirso H. Gador, Tuguegarao City.

Pinangunahan ni PCol Mardito G. Anguluan, Provincial Director, ang pagsisimula ng pagsasanay, katuwang sina PLtCol Sherwin F. Cuntapay, Deputy Director for Administration; PLtCol Richard R. Gatan, Chief, PARMU; at PMAJ Amy M. Dela Cruz, Assistant Chief, PARMU. Nagsilbing trainers at resource persons ang mga kinatawan ng Tuguegarao City Disaster Risk Reduction and Management Office (TCDRRMO).

Nakatuon ang pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa first aid, Basic Life Support, cardiopulmonary resuscitation (CPR), wound care and bandaging, at iba pang pamamaraan ng agarang pagtugon sa mga aksidente, sakuna, at emergency situations. Isinagawa rin ang mga demonstration at hands-on practical exercises upang malinang ang wastong pagsasagawa ng mga life-saving procedures at mapalakas ang kanilang kahandaan sa aktuwal na sitwasyon.

Kabilang sa mga resource persons sina Bb. Ramona Casauay, Training Staff; G. Reymund B. Gunnacao, Chief, WASAR; G. Allen Jay Gunnaca, Rescuer; Bb. Lovelyn Ariane P. Cagurangan, Rescuer; at Bb. Shery Rose C. Darauay, rescuer, mula sa TCDRRMO.

Patuloy na isinusulong ng Cagayan PPO ang mga capacity-building at skills enhancement activities upang mapalakas ang kahandaan ng mga personnel at matiyak ang maagap, wasto, at epektibong pagtugon sa oras ng pangangailangan, bilang bahagi ng serbisyong mabilis, tapat, at tunay na nararamdaman ng mamamayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Leave a Reply