Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 9165, arestado ng Libak MPS sa Sultan Kudarat

0
172

Arestado ng mga awtoridad ang isang 28 anyos na wanted person sa isinagawang law enforcement operation bandang 9:50 ng umaga noong Agosto 22, 2026, sa Barangay Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Jacky,” 28-anyos, residente ng Barangay Aurelio F. Freires Sr., Lebak, Sultan Kudarat.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Lebak Municipal Police Station (MPS) katuwang ang mga tauhan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company.

Naaresto si alyas “Jacky” sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy nating hahanapin ang mga wanted person at sisiguraduhin nating mananagot sila sa batas. Ang bawat warrant na naipapatupad ay hakbang tungo sa hustisya,” ani ni PBGen Manibog.

Leave a Reply