Nakapagtala ang Cebu Police Provincial Office (CPPO) ng 574 katao na nasakote sa isinagawang one-day enforcement drive sa buong Cebu noong Agosto 22, 2026.
Umabot sa 282 operasyon ang isinagawa ng mga police unit. Pinakamarami ang paglabag sa traffic ordinances na may 374 kaso, sinundan ng pag-inom sa pampublikong lugar, curfew violations ng mga menor de edad, paninigarilyo, at iba pang lokal na ordinansa. Sa kabuuan, aabot sa Php166,200 ang ipinataw na multa ng mga awtoridad.
Pinakamaraming apprehension ang naitala sa Toledo City na may 126, sinundan ng Bogo City na may 37, Dumanjug na may 35, Naga City na may 33, at Balamban na may 28.
Binigyang-diin ni PCol Abubakar U Mangelen Jr., Provincial Director ng CPPO, na ang Safer Cities Initiative ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa pag-iwas sa kaguluhan, police visibility, at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang ligtas, maayos, at mapayapang mga komunidad sa buong Cebu alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez
Source: https://www.facebook.com/share/p/19AF2CQGwn/



