65% na mga Pilipino, nagtitiwala sa PNP ayon sa OCTA survey

0
250

Nagtitiwala ang nasa 65% ng mga may sapat na gulang na Pilipino sa pagganap ng tungkulin sa pagbibigay ng seguridad at kaayusan ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP sa ikalawang quarter ng taon, batay sa survey ng OCTA Research mula Hulyo 4 hanggang 11, 2026.

Lumabas dito na dalawa sa bawat tatlong may sapat na gulang na Pilipino, o 65%, ang nagtitiwala sa PNP—bahagyang mas mataas kumpara sa 63% na naitala noong Marso 2026.

Samantala, 13% ang nagsabing hindi sila nagtitiwala sa PNP, habang 23% naman ang nanatiling hindi makapagpasya, na nagresulta sa net trust rating na +52. Pinakamataas ang tiwala sa PNP sa Visayas (70%), sinundan ng Luzon (69%) at Mindanao (67%).

Samantala, nasa 40% lamang ang trust rating ng PNP sa National Capital Region (NCR).

Batay naman sa socioeconomic class, pinakamataas ang tiwala sa Class E (72%) at Class ABC (71%), habang bahagyang mas mababa ito sa Class D (62%). Ang Class ABC naman ang nagtala ng pinakamataas na distrust rate na 16%.

Pagdating sa pagganap ng PNP, 63% ng mga respondent ang nagpahayag ng kasiyahan—mas mataas din kumpara sa 61% na naitala noong unang quarter ng taon.

Pinakamataas ang satisfaction rating sa Visayas at Mindanao, kapwa nasa 67%, habang nasa 65% ito sa Luzon.

Gayunpaman, bumaba ito sa 43% sa NCR, kung saan naitala rin ang pinakamataas na dissatisfaction rate na 38%.

Batay sa socioeconomic class, pinakamataas din ang satisfaction sa Class E (69%), habang pinakamababa naman ito sa Class ABC (59%).

Nabatid na gumamit ang survey ng face-to-face interviews sa 1,200 na respondent na may edad na 18 pataas. May ±3% margin of error ito sa 95% confidence level, at ±6% margin of error sa 95% confidence level para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nagpasalamat naman ang buong himpilan sa mga kinatawan ng OCTA Research at sa publiko sa positibong resulta ng isinagawang survey at tiniyak na mas pag-igihan pa ng buong organisasyon ang paghahatid ng patas, tapat at may integridad na serbisyo publiko para sa bayan at sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na naaayon sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Sourcehttpswww.gmanetwork.comnewstopstoriesnation999645octa-65-of-adult-filipinos-trust                                                                                                                                                                        pnpstoryfbclid=IwdGRzaAT54vNjbGNrBPni6XBkb2YFZXh0bgNhZW0CMTEAc3J0YwZhcHBfaWQMMzUwNjg1NTMxNzI4AAEe_NEPpnlopGRkgFmOGwwm-yiqg-jW8jZZU6HcynD9eQePw8phwIqC1Z8CE18_aem_-a8lGg_b3t0TenB7hfmDBw

www.gmanetwork.com

1146 AM

Leave a Reply