Iguig Police Station, inilunsad ang Project “Tanglaw” laban sa karahasan

0
266

Matagumpay na inilunsad ng Iguig Police Station, sa pamumuno ni PMaj Dolriech M. Patnaan, Chief of Police, ang Project “Tanglaw” sa Casa Trinidad, Brgy. Nattanzan, Iguig, Cagayan noong Agosto 22, 2026.

May temang “Maging Liwanag sa Pag-iwas sa Karahasan at Sandigan ng mga Kababaihan at Kabataan,” layunin ng proyekto na palakasin ang proteksyon at pagtugon sa iba’t ibang anyo ng gender-based violence at child abuse.

Nakiisa sa paglulunsad si Hon. Mayor Juditas L. Trinidad, Municipal Mayor ng Iguig, na kinatawan ni SB Ma. Rizalina Callueng-Felix bilang Guest of Honor and Speaker, kasama ang mga kinatawan mula sa MLGOO, MSWDO, BCPC, DepEd, COMELEC, SK Federation, MCTC Amulung-Iguig, Religious Sector, Municipal Advisory Group, at mga personnel ng Iguig Police Station.

Tampok sa aktibidad ang pormal na paglagda sa Memorandum of Agreement at Manifesto of Commitment ng mga katuwang na ahensya bilang pagpapakita ng kanilang sama-samang pananagutan sa pangangalaga sa mga kababaihan, kabataan, at iba pang vulnerable sectors. Sinundan ito ng unveiling ng official Project “Tanglaw” tarpaulin.

Nagpahayag din ng konkretong suporta ang mga partner agencies, kabilang ang COMELEC, sa paglalagay ng hotline tarpaulins sa mga barangay at SK Federation sa pangunguna ng mga youth information campaign at welfare activities.

Patuloy na pinagtitibay ng Iguig Police Station at mga partner agencies ang kanilang ugnayan upang mapalakas ang prevention, protection, at empowerment ng mga biktima at vulnerable individuals, at matiyak na ang bawat babae, bata, at kabataan ay mapapakinggan, mapoprotektahan, at mabibigyan ng kinakailangang suporta.

Source: PNP Iguig Municipal Police Station

Leave a Reply