Suspek arestado sa search warrant operation ng PRO8; Baril at bala, narekober sa Mahaplag, Leyte

0
108
Screenshot

Nakumpiska ng mga operatiba ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang isang caliber .45 na baril at mga bala kasunod ng isinilbing search warrant kung saan naaresto ang isang suspek sa Brgy. Maligaya, Mahaplag, Leyte, on August 22, 2026.

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Gibo,” 35, isang magsasaka at residente ng Brgy. Maligaya, Mahaplag, Leyte. Siya ay inaresto sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 14, Baybay City, Leyte, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang matagumpay na operasyon ay pinamunuan ni PCpt Anthony-Reb Amora, Acting Chief of Police ng Mahaplag Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Leyte Police Provincial Office LPPO,

Kasama sa mga narekober ng pulisya ang isang caliber .45 Colt MK IV Series 80, limang live caliber .45 ammunition; at isang caliber .45 magazine.

Kasalukuyan namang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa naarestong suspek.

“I commend the personnel of Mahaplag MPS and PIU LPPO for the successful implementation of the Search Warrant. This accomplishment reflects our continuing efforts to curb illegal firearms and uphold public safety” (Ipinahahayag ko ang aking pagkilala sa mga tauhan ng Mahaplag MPS at PIU LPPO para sa matagumpay na pagpapatupad ng Search Warrant. Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng ating patuloy na pagsisikap na sugpuin ang ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng mga baril at mapanatili ang kaligtasan ng publiko), pahayag pa ni PCol Sacro.

Samantala, aasahan namang mas paiigtingin pa ng Leyte Police Provincial Office ang kanilang mga Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Campaigns para sa kaligtasan at kapayapaan ng buong lalawigan ng Leyte alinsunod sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/1bNNqNVNoe/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply