Babaeng nahulog sa riprap sa Baguio City, agad nasagip ng BCPO Police Station 7

0
43

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Fixed Visibility Point 2 (FVP2) ng Baguio City Police Office-Police Station 7 matapos makatanggap ng tawag mula sa Smart City Command Center (SC3) hinggil sa isang babaeng nahulog sa riprap sa T. Alonzo, Baguio City.

Mabilis na nagtungo sa lugar ang mga personnel ng FVP2-PS7 at agad na nagsagawa ng police assistance. Nakipag-ugnayan din ang mga ito sa Emergency Medical Services (EMS) upang matiyak ang ligtas at agarang pagresponde sa kalagayan ng biktima.

Matapos ang isinagawang rescue, ligtas na naihatid ang babae sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) para sa karagdagang pagsusuri at kinakailangang atensyong medikal. Pinuri rin ng kapulisan ang mga residente at miyembro ng komunidad na tumulong at nakipagtulungan sa panahon ng insidente.

Ipinakita ng mabilis na pagkilos ng Police Station 7 ang kahandaan ng kapulisan na tumugon sa pangangailangan ng publiko, lalo na sa oras ng emergency. Patuloy ding hinihikayat ng PNP ang publiko na tumawag sa 911 sa oras ng emergency upang agad na makakuha ng kinakailangang tulong.

Kaakibat ito ng patuloy na pagsusulong ng PNP sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong maihatid ang maagap, tapat, at makabuluhang serbisyo sa bawat mamamayan.

Source: BCPO PS 7 (https://www.facebook.com/share/p/1LRdkPvtwY/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply