3 MWPs, arestado ng PNP sa kasong statutoray rape, paglabag sa R.A. 10883, at 9165 sa magkakahiwalay na operasyon

0
36
Screenshot

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong Most Wanted Persons (MWPs) sa magkakahiwalay na operasyon sa General Santos City, Oriental Mindoro, at lalawigan ng Rizal simula August 20 hanggang 21, 2026, kabilang ang Top 1 Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A.

Sa General Santos City, naaresto ng Police Station 5 ang Top 10 Most Wanted Person ng PRO 12 noong August 20 sa bisa ng warrant of arrest dahil sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape.

Sa Gloria, Oriental Mindoro, naman naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Gloria Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, at 2nd Provincial Mobile Force Company ang Top 9 Most Wanted Person ng PRO 4B dakong alas 3:25 ng hapon ng parehong araw. Inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10883, o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

Samantala, sa Binangonan, Rizal, sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group–Northern District Field Unit, naaresto ang Top 1 Most Wanted Person ng PRO 4A nito lamang August 21. Naaresto ang suspek sa dalawang bilang ng paglabag ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyang-diin ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang tatlong matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya kontra sa mga wanted person alinsunod sa PNP Focused Agenda, partikular na ang Enhanced Managing Police Operations.

“Kapag may warrant, hindi dapat hanggang record lang. “We have to do the work to locate the person, make the arrest properly, and turn the case over to the courts. That is the responsibility we have to carry out” (Kailangan nating gawin ang ating tungkulin na hanapin ang taong iyon, maisagawa nang maayos ang pag-aresto, at maiharap ang kaso sa hukuman. Iyan ang responsibilidad na kailangan nating gampanan), ani PGen Nartatez.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18LJUkQnJz/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply