Arestado ng mga tauhan ng Police Station 3, Cebu City Police Office (CCPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Raymart C Rabanes, OIC, PS3, ang isang armadong indibidwal kasunod ng isinagawang checkpoint operation sa Brgy. Tejero, Cebu City, nito lamang gabi ng August 21, 2026.
Hinuli ang suspek dahil sa paglabag nito sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Napag-alaman naman ng kapulisan na nauna na ring naaresto ang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 at Republic Act No. 10591.
Nakuha sa suspek ang isang .22 caliber snub-nose revolver na siyang dahilan kung bakit agad siyang isinailalim sa kustodiya ng Police Station 3 para sa tamang disposisyon.
Ang patuloy na mga checkpoint operation ay bahagi sa kampanya ng CCPO sa pangangasiwa ni Acting City Director PCol Ricky C Sumalde, upang maagapan ang mga ilegal na pagdadala ng baril, paigtingin ang police visibility, at upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa buong lungsod alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1LsUsjLUAo/?mibextid=wwXIfr



