Arestado ng mga tauhan ng Roxas City Police Station ang Rank 2 Municipal Most Wanted Person sa Sitio Ilaya, Brgy. Adlawan, Roxas City, dakong 1:51 ng hapon noong Agosto 20, 2026.
Kinilala ang akusado sa alyas na “Dodong,” 25 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si alyas “Dodong” sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong simple arson, na inisyu noong Agosto 12, 2026, ng Regional Trial Court, Branch 15, Roxas City. Inirekomenda ng korte ang piyansang PhP120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon kay PBGen Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6, patuloy nilang paiigtingin ang pagtugis sa mga wanted person sa rehiyon.
“Patuloy nating paiigtingin ang manhunt operations at intelligence efforts upang maaresto ang mga taong may nakabinbing warrant. Malaki rin ang naitutulong ng pakikiisa at impormasyong ibinibigay ng komunidad sa tagumpay ng ating mga operasyon,” ani PBGen Tuaño.
Ang akusado ay nasa kustodiya ng Roxas CPS para sa kaukulang disposisyon.
Bilang bahagi sa Responsive, Trusted at Transformative Policing na isinusulong ng PRO6 alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” mas tututukan pa ng Pambansang Pulisya ang kanilang mga kampanya kontra sa lahat ng uri ng kriminalidad, partikular na ang pagtugis ng mga wanted person sa buong rehiyon.
Source: https://www.facebook.com/share/p/19K5x1FLNF/?mibextid=wwXIfr



