IPPO, pinalawak ang luntiang kinabukasan sa isinagawang Tree-planting Activity sa Eco Park

0
152

Matagumpay na nagsagawa ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ng Tree Planting Activity sa IPPO Eco Park, Baligatan, City of Ilagan, Isabela noong Agosto 19, 2026, bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng luntiang kapaligiran.

Pinangunahan ni PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director ng IPPO, ang aktibidad kasama si Ms. Elizabeth B. Bringas, IPPO OLC Foundation Inc (FI) Adviser;  Hon. Ma. Cristina P. Dela Rosa, Provincial Prosecutor ng Isabela; Provincial Command and Staff; mga Chief of Police; at mga miyembro ng IPPO OLCFI.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng mga punla, higit na napalakas ang camaraderie at pagtutulungan ng mga personnel at stakeholders habang binibigyang-diin ang mahalagang papel ng bawat isa sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Ang simpleng pagtatanim ngayon ay nagsisilbing pamumuhunan para sa mas luntian at mas maayos na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Patuloy na isinusulong ng IPPO ang mga inisyatibang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan, pakikipagtulungan, at serbisyong may malasakit bilang bahagi ng pagsusulong nito sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Isabela

Leave a Reply