460 violators, huli sa pinaigting na Safer Cities Initiative ng Cebu PPO

0
210

Patuloy na pinaiigting ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang Safer Cities Initiative matapos magsagawa ng 273 operasyon sa buong lalawigan ng Cebu na nagresulta sa pagkakahuli ng 460 indibidwal dahil sa iba’t ibang paglabag sa lokal na mga ordinansa noong Agosto 19, 2026.

Kabilang sa mga nahuli ang 331 na lumabag sa traffic ordinances, 45 na menor de edad na lumabag sa curfew, 38 na umiinom sa pampublikong lugar, 29 na naninigarilyo, siyam na walang damit pang-itaas, at pito na gumagamit ng karaoke lampas sa itinakdang oras.

Sa kabuuan, 331 violators ang pinagmulta habang 129 ang binigyan ng warning, habang umabot naman sa Php244,200 ang kabuuang multa.

Ayon sa CPPO, bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng Safer Cities Initiative ng Pambansang Pulisya upang mapanatili ang kaayusan at disiplina sa mga komunidad.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCol Abubakar U Mangelen Jr., patuloy na tinutukan ng CPPO ang preventive policing at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mas ligtas at maayos na Cebu sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ehv1vrHvp/

Leave a Reply