Nakumpiska ng mga tauhan ng Naga City Police Office (NCPO) ang mahigit Php680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Agosto 18, 2026, dakong alas 3:14 ng hapon sa Naga City.
Pinangunahan ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng City Intelligence Unit (CIU), City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), at Naga City Police Station 1.
Naaresto sa operasyon si alyas “Renz,” 39 anyos, residente ng Barangay Balatas, Naga City, na isang drug personality na sangkot sa ilegal na droga. Nakumpiska mula sa kanya ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php680,000.
Matapos ang operasyon, dinala ang naarestong indibidwal at mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1, NCPO, para sa kaukulang dokumentasyon, disposisyon, at paghahain ng mga nararapat na kaso.
Ipinapakita ng matagumpay na operasyon ang patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 5 (PRO5), sa pamumuno ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director, na paigtingin ang intelligence-driven at focused law enforcement operations laban sa ilegal na droga alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Patuloy ding pinalalakas ng PRO5 ang koordinasyon ng mga police unit at pakikipagtulungan ng komunidad upang maprotektahan ang mga Bicolano, mapanatili ang kapayapaan at seguridad, at mapanagot ang mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ng legal at propesyonal na pagpapatupad ng batas.
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos
Source: https://www.facebook.com/share/p/19VmiyryrC/



