PRO MIMAROPA, pinaigting ang responsableng pangangalaga sa issued firearms

0
210

Patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA) ang pananagutan ng bawat pulis sa rehiyon sa maayos at responsableng paggamit ng kanilang mga issued firearms at iba pang mga critical police resources sa pamamagitan ng Supply Management and Proper Care of Firearms and Ammunition Seminar nito lamang August 19, 2026 na ginanap sa Hinirang Hall, Camp BGen Efigenio C. Navarro, Calapan City.

Aabot sa 50 PRO4B personnel ang nakibahagi at dumalo sa naturang seminar mula sa Provincial Police Offices (PPOs), City Police Office (CPO), at Regional Mobile Force Battalion (RMFB). Layunin ng pagsasanay na bigyan sila ng karagdagang mga kaalaman sa tamang at wastong pag-iingat ng kani-kanilang mga baril.

Nagsilbing keynote speaker sa aktibidad si PLtCol Mary Crystal B. Peralta, Acting Chief ng Regional Logistics and Research Development Division (RLRDD), na binigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng mga issued firearms bilang mga government resources na ipinagkaloob sa bawat pulis para sa pagpapatupad ng kanilang mandato.

Bahagi ang nasabing seminar ng mga programa ng PRO-MIMAROPA upang maisaalang-alang ang epektibong resource management at operational readiness ng lahat ng kapulisan sa rehiyon. Ito ay nakabatay din sa F.I.G.H.T. C.R.I.M.E.S. Framework at sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19T6JK31J1/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply