CCPO Cops, kinilala sa katangi-tanging pangganap, katapangan, at dedikasyon sa serbisyo

0
187

Kinilala ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang mga natatanging police personnel sa rehiyon dahil sa kanilang katangi-tanging pagganap, katapangan, at dedikasyon sa tungkulin sa Monday Flag Raising at Awarding Ceremony noong Agosto 17, 2026, sa Camp Sergio Osmeña, Sr., Cebu City.

Kabilang sa mga pinarangalan si PMaj Noah L Añana at Pat Richard B. Garcera ng Cebu City Police Office (CCPO), na ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan matapos ang matagumpay na hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa pangunahing suspek sa isang insidente ng pamamaril.

Ipinakita ng kanilang mabilis na pagtugon, katapangan, at mahusay na pagpapasya ang mataas na antas ng propesyonalismo at dedikasyon sa tungkulin ng mga tauhan ng CCPO sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.

Patuloy namang isinusulong ng CCPO ang epektibong pagpapatupad ng batas at maagap na serbisyong pampulisya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa Cebu City alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EwJGFvVPi/

Leave a Reply