16 taong nagtago, Most Wanted Person, arestado sa kasong rape, arestado sa Ibaan, Batangas

0
29

Matapos ang labing-anim na taon ng pagtatago, tuluyang natuldukan ang pagtakas sa batas ng isang akusado sa kasong rape matapos itong maaresto sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Ibaan, Batangas bandang alas-3:53 ng hapon noong Agosto 17, 2026.

Ang pagkakaaresto ay bunga ng pinaigting na intelligence monitoring at koordinasyon ng mga operatiba upang matukoy ang kinaroroonan ng akusado.

Isinagawa ang Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng Ibaan Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang RIU PIT Batangas at mga operatiba ng Ligao City Police Station, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLtCol Danny B. Baytec, Chief of Police.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Ligao City noong Hulyo 14, 2010, matagumpay na naaresto si alyas “Mark,” nasa hustong gulang at residente ng Ligao City, na nahaharap sa kasong rape na may inilaang piyansang Php 200,000.00.

Ipinaalam agad sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto gayundin ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Saligang Batas.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Ibaan Municipal Police Station, Batangas Police Provincial Office, para sa kaukulang disposisyon at iba pang legal na proseso.

Ayon kay PCol Noel Donato Nuñez, Provincial Director ng Albay PPO, bahagi ang matagumpay na operasyon ng adbokasiyang Serbisyong NOEL. Aniya, noong Hulyo ng kasalukuyang taon, nakatanggap ang Albay PPO Page ng impormasyon hinggil sa umano’y kaso ng akusado at sa posibleng lokasyon nito. Agad na pinalawak ng mga operatiba ang intelligence gathering at isinagawa ang masusing koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies, na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatunton at pagkakaaresto sa akusado matapos ang 16 na taong pagtatago.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/17wDcfTwBL/

Leave a Reply