Sumuko sa mga operatiba ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director, ang isang former member ng Communist Terrorist Group (CTG) habang narekober din dito ang isang baril sa Bongabong, Oriental Mindoro nito lamang August 18, 2026.
Kinilala ang sumukong former rebel na isang 37-year-old na magsasaka at residente ng Bongabong, Oriental Mindoro, na kinilala bilang dating miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad/Milisyang Bayan (SPL/MB) sa ilalim ng KLG-MAV, SRMA-4, SRTPC. Kabilang sa kanyang isinuko ang isang caliber .38 revolver na may tatlong live ammunition.
Nanguna sa naturang pagsuko ang pinagsanib na puwersa ng 1st Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni PLt Julius Hans M. Dagatan, 1st Platoon Leader, katuwang ang 105th Special Action Company, PNP Special Action Force; Bongabong Municipal Police Station; Regional Intelligence Division, PRO MIMAROPA; Provincial Intelligence Unit, Oriental Mindoro Police Provincial Office; 403rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4B; Provincial Intelligence Team, Oriental Mindoro, Regional Intelligence Unit 4B; CIDG Provincial Field Unit; Alpha Civil-Military Operations Company, 2nd Civil-Military Operations Battalion, 2nd Infantry Division, Philippine Army; 1st Infantry Battalion, 2nd Infantry Division, Philippine Army; 23rd Military Intelligence Company, Philippine Army; 203rd Infantry Brigade, Philippine Army; National Intelligence Coordinating Agency; at Maritime Police Station 4B-02.
“Every surrender is a step away from violence and toward a safer future. We will continue to strengthen our partnerships with our communities and fellow government agencies to reach those who remain involved in armed groups and help them make the decision to return to the fold of the law” (Patuloy naming palalakasin ang ating pakikipag-ugnayan sa mga komunidad at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan upang maabot ang mga nananatiling sangkot sa mga armadong grupo at tulungan silang makapagpasya na magbalik-loob at mamuhay nang naaayon sa batas). Pahayag ni PBGen Dela Cruz.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng 2nd PMFC ang sumuko para sa custodial debriefing at karagdagang dokumentasyon para sa pagproseso ng kanyang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” nanawagang muli ang pamunuan ng PRO MIMAROPA sa iba pang mga miyembro ng rebeldeng grupo na tuluyan nang magbalik loob sa pamahalaan para sa pangmatagalang kapayapaan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1Vi3JHKwAg/?mibextid=wwXIfr



