PRO-NIR, pinaigting ang security operations sa pagbisita ni Pangulong Marcos Sa Negros Oriental

0
78

Naging maayos, ligtas, at walang aberya ang serye ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Negros Oriental noong Agosto 17, 2026, bunga ng masusing paghahanda at mahusay na koordinasyon ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) kasama ang Presidential Security Command at iba pang mga katuwang na ahensya.

Mula sa pagdating ng Pangulo sa Dumaguete-Sibulan Airport hanggang sa mga aktibidad sa Dauin, Tanjay City, at Dumaguete City, ipinamalas ng PRO-NIR ang maagap at organisadong deployment ng mga tauhan nito upang matiyak ang seguridad ng Pangulo, kanyang delegasyon, at higit sa lahat, ng publiko.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Romano V. Cardiño, Regional Director ng PRO-NIR, isinagawa ang strategic deployment, pagtatatag ng advance command posts, real-time coordination, traffic at crowd management, at tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at mga local disaster at health response units.

Hindi lamang ang seguridad ang layunin ng operasyon. Bahagi rin nito ang pagtiyak na maayos na maisasagawa ang mga programa ng pamahalaan at mananatiling ligtas at panatag ang mga mamamayang nakibahagi sa mga aktibidad ng Pangulo.

Kabilang sa mga isinagawa ng Pangulo ang pag-inspeksyon sa mga development initiatives sa bayan ng Dauin, pakikipag-ugnayan sa mga kawal sa Tanjay City, at pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa Dumaguete City kung saan lahat ay naisagawa nang maayos at walang naitalang untoward incident.

Para sa PRO-NIR, ang matagumpay na operasyon ay higit pa sa isang security mission. Isa itong malinaw na patunay ng kanilang kahandaan, disiplina, malasakit, at dedikasyon sa serbisyo publiko alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Sa pagtatapos ng pagbisita, ligtas na nakabalik sa Dumaguete-Sibulan Airport ang Pangulo at kanyang delegasyon, habang nanatiling nakaantabay ang mga security at support units hanggang sa kanyang pag-alis.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CNUydBdU8/

Leave a Reply