Nagpaabot ng agarang police assistance ang Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn Silvio, sa mga residenteng na-stranded at naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Santo Domingo, Quezon City noong Agosto 17, 2026.
Ang nasabing inisyatiba ay isinakatuparan ng Traffic Sector 1 ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU), sa pangunguna ni PLtCol Brian Jaime, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Don Manuel.
Sa gitna ng malakas na pag-ulan at patuloy na pagtaas ng tubig-baha, nanatili sa lugar ang mga tauhan ng QCPD upang tumulong sa mga residenteng nangangailangan at matiyak ang kanilang kaligtasan.
Patuloy na pinagtitibay ng QCPD ang commitment nitong maghatid ng mabilis, mahabagin, at responsive na serbisyo, lalo na sa panahon ng emergency at kalamidad. Kaakibat nito ang pagsusulong ng PNP sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” bilang katuwang ng mamamayan sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.
Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/v/1EpoV2tXbf/)



