Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at paghubog sa kabataan, nagsagawa ang Piat Police Station ng educational lecture para sa mga Grade 3 pupils ng Piat Central School noong Agosto 13, 2026, sa ilalim ng kanilang best practice na Project AKBAY (Aral at Kaalaman, Binibigyang-Alay para sa Yamang Isipan), sa Piat, Cagayan.
Pinangunahan ni PLt. Aida B. Fabellar, Deputy Chief of Police, kasama si PMSg. Arlene Licayu, Senior MCAD PNCO ng Piat Police Station, ang naturang aktibidad na naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman at gabay sa mga batang mag-aaral.
Sa pamamagitan ng Project AKBAY, binibigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at pagbibigay ng sapat na kaalaman sa kabataan bilang pundasyon ng kanilang pag-unlad. Naging bahagi ng inisyatiba ang educational lecture na naglalayong mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang pag-aaral, maging responsable, at patuloy na magsikap upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Patuloy namang pinagtitibay ng Piat Police Station ang ugnayan nito sa sektor ng edukasyon at komunidad sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan. Ipinakikita nito ang malasakit ng kapulisan sa paghubog ng isang mas ligtas, mas maayos, at mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan.
Source: PNP Piat Municipal Police Station



