Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan at kapakanan ng kabataan, nakiisa ang Jones Municipal Police Station sa Adolescent Health and Development (AHD) Activity na isinagawa ng Barangay Minuri Health Station sa D’ Hench Resort, Barangay Payac, Jones, Isabela noong Agosto 16, 2026.
Pinangunahan ni PMaj Mervin G. Delos Santos, Chief of Police, ang pakikiisa ng Jones MPS sa aktibidad. Tinalakay ni PMSg Liezel Macapulay, WCPD PNCO, ang Anti-Drug Campaign, habang sina PSSg Marl Anthony Nicolas at Pat Venjie Dassun, Patrollers, ay nagbahagi naman ng kaalaman hinggil sa Road Safety Awareness.
Binigyang-diin sa talakayan ang masasamang epekto ng ilegal na droga, kahalagahan ng responsableng pagpapasya, at pagpapanatili ng isang drug-free na pamumuhay. Tinalakay rin ang pagsunod sa mga batas-trapiko, responsableng pag-uugali sa kalsada, at pagiging maingat bilang pedestrian, pasahero, at magiging motorista. Naging pagkakataon din ang aktibidad upang higit na mapalawak ang kamalayan ng mga kabataan sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Patuloy na nakikiisa ang Jones Police Station sa mga community-based initiatives kasama ang health sector, mga opisyal ng barangay, mga magulang, at iba pang stakeholders upang mahubog ang kabataang ligtas, malusog, responsable, at malayo sa ilegal na droga at iba pang panganib sa komunidad.
Source: Jones Valley Cops



