Arestado ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Omega, Brgy. Sawang Calero, Cebu City, noong Agosto 15, 2026.
Kinilala ni PMaj Noah L AnaƱa, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Station 6 ang suspek na si alyas “Apang”, 45 anyos na residente ng 9C-Spolarium Street, Brgy. Duljo-Fatima, Cebu City.
Nakumpiska mula sa kanya ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50.09 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php340,612.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa naturang istasyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang kampanya ng Cebu City Police Office laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na āBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.ā
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez
Source: Cebu City Police Station 6



