2 drug suspek, arestado; Mahigit Php690K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Tacloban City

0
118
Screenshot

Naaresto ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang dalawang drug personality matapos makuhanan ng tinatayang nasa Php690K halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 105 Suhi, Tacloban City nito lamang August 15, 2026.

Nanguna sa operasyon ang Tacloban City Police Office – Police Station 3 Station Drug Enforcement Unit (TCPO-PS3 SDEU), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency 8 (PDEA-8), na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas  “Naldo,” isang 49-year-old na residente ng Tacloban City, at si alyas “Jerry,” isang 47-year-old na residente ng Molondo, Marawi City.

Kabilang sa mga narekober sa suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets at isang knot-tied transparent plastic sachet ng shabu na may estimated weight na 102 gramo at Dangerous Drugs Board (DDB) value na Php693,600.00.

Bilang bahagi sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” maayos na minarkahan ang nasabing mga ebidensya kasama ang mga kinakailangang testigo ayon sa batas. Habang inihahanda na rin ang mga karampatang kaso na isasampa sa mga suspek partikular na ang paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiniyak naman ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director ng PRO8, na magpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon ng kapulisan sa rehiyon kontra ilegal na droga. Aniya, “We will sustain our relentless campaign against illegal drugs and continue to pursue high-value targets while ensuring that all police operations are conducted in accordance with the law.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DTD9Dmpu6/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply