3 drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Daraga, Albay

0
120

Tatlong drug suspek ang naaresto sa isang buy-bust operation kontra ilegal na droga sa Daraga, Albay noong Agosto 16, 2026, matapos ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Bicol Region.

Kabilang sa mga nadakip si alyas “Mac,” na itinuturing na drug den maintainer at drug suspek, kasama sina alyas “Raffy,” na sinasabing drug den employee, at alyas “George,” na kapwa mga drug suspek.

Pinangunahan ng PDEA Albay Provincial Office (PDEA Albay PO) ang operasyon, katuwang ang PDEA Regional Office V Regional Special Enforcement Team I (RSET I) at RSET II, Daraga Municipal Police Station (Daraga MPS), Police Intelligence Unit (PIU) ng Albay Police Provincial Office, at Coast Guard Intelligence Unit-Albay.

Sa operasyon, pitong (7) heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu ang nakumpiska, na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 12 gramo at tinatayang standard drug price na Php81,600.

Isinagawa rin ang inventory at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga naarestong suspek at mga kinakailangang mandatory witnesses, alinsunod sa umiiral na mga proseso at alituntunin sa pangangalaga at paghawak ng mga ebidensya.

Matapos ang kaukulang dokumentasyon, dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa PDEA Regional Office V para sa wastong disposisyon at pagsasagawa ng mga kaukulang legal na proseso.

Ang naturang accomplishment ay patunay ng pinaigting na inter-agency coordination ng PDEA, PNP, Philippine Coast Guard, at iba pang katuwang na law enforcement units sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Bahagi rin ito ng mas pinalakas na anti-criminality efforts ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN EROSITO N MIRANDA, Regional Director, alinsunod sa PNP Focused Agenda at Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na nakatuon sa pagpapalakas ng operational capability, intelligence gathering, police-community coordination, at pagtutulungan ng mga ahensya upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa buong rehiyon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EeoNmk1KS/

Leave a Reply