Php374K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Iloilo City; suspek arestado

0
194
Screenshot

Arestado ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang isang drug personality matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang 55 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php374,000.00 sa buy-bust operation sa Zone 3, Barangay Lopez Jaena, La Paz, Iloilo City, dakong 5:15 ng madaling-araw noong Agosto 16, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Junjun,” 39 taong gulang at residente ng La Paz, Iloilo City.

Batay sa nakalap at na-validate na intelligence information, isinailalim muna sa surveillance at target profiling ang suspek bago isinagawa ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station 2 (ICPS2) ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang operasyon.

Nasamsam mula sa suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item, gayundin ang buy-bust money at ilang non-drug items.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng ICPS2 para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni Police Brigadier General Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6, ang ICPS2 sa matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na intelligence-driven operations laban sa ilegal na droga.

“Ang pagkakaaresto sa isang High-Value Individual ay bunga ng masusing intelligence gathering, validation, at surveillance ng ating mga operatiba. Patuloy nating tututukan ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga at paiigtingin ang ating mga operasyon upang maputol ang kanilang distribusyon at maprotektahan ang ating mga komunidad,” ani PBGen Tuaño.

Ang accomplishment na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagsulong ng PRO6 sa isang Responsive, Trusted and Responsive Policing para sa mas ligtas na rehiyon alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BmGGAViJT/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply