Arestado ang walong indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng mga awtoridad sa iba’t ibang parte ng lalawigan ng Bulacan noong Agosto 14, 2026.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Reyson M Bagain, hepe ng San Jose del Monte City Police Station, arestado ang dalawang indibidwal matapos masangkot sa illegal drug operation ng mga tauhan ng CDEU ng SJDM CPS noong Agosto 14, 2026, dakong alas-11:30 ng gabi sa Brgy. Gaya-Gaya, CSJDM, Bulacan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu. Kabilang dito ang isang sachet na ibinenta sa poseur-buyer kapalit ng marked money at apat pang sachets na nakuha sa isinagawang protective search. Ang kabuuang bigat ng nakumpiskang hinihinalang shabu ay mahigit 60 gramo, na may tinatayang halaga na Php 408,000.00.
Samantala, ayon sa ulat na isinumite ng mga hepe ng Meycauayan CPS, Guiguinto at Norzagaray MPS, ang magkakahiwalay na drug-bust operation na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units ay nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na tulak ng droga at pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 9.81 gramo at may tinatayang halagang nasa Php66,708.00, kasama ang ginamit na buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at kriminalidad, alinsunod sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan.



