Arestado ang isang lalaki matapos masamsam ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php346,800 sa ikinasang police buy-bust operation sa Barangay Dukay, Esperanza, Sultan Kudarat noong Agosto 15, 2026.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Robert,” 39 anyos, ng mga tauhan ng Esperanza Municipal Police Station, Sultan Kudarat Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 1202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, at Philippine Drug Enforcement Agency.
Narekober sa operasyon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, cellphone, wallet na naglalaman ng iba’t ibang identification cards, digital weighing scale, improvised tooter, at iba pang mga gamit.
Tumitimbang ng humigit-kumulang 51 gramo ang nakumpiskang hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php346,800.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang komunidad ay katuwang ng pulisya sa kampanya laban sa iligal na droga bilang bahagi ng layunin ng himpilan na maghatid ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



