Nasabat ang nasa Php1.34 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang nasa 58 indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Southern Police District nito lamang Agosto 15-16, 2026.
Ayon kay Police Brigadier General Glenn Oliver Cinco, District Director ng SPD, umabot sa 197.135 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,343,918, gayundin ang dalawang tablet ng hinihinalang ecstasy, ang nakumpiska sa mga operasyon laban sa ilegal na droga.
Nasa 23 drug personalities ang naaresto para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang 11 operations naman ang ikinasa na nagresulta sa pagkakadakip ng 24 indibidwal at pagkakasabat ng Php5,127 in bet money.
Samantala,. nahuli din ang isang Most Wanted Person at pitong other wanted persons habang tatlong operasyon naman ang ikinasa sa nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong indibidwal at pagkakarekober ng tatlong firearms. Naitala naman ang nasa 1,683 na violators sa naturang 24-oras na operasyon .
“Ang bawat pagkakaaresto, bawat nakumpiskang baril, at bawat nasamsam na ilegal na droga ay isang hakbang tungo sa mas ligtas na mga pamayanan. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa ilegal na droga, mga wanted na indibidwal, mga loose firearm, ilegal na sugal, at iba pang paglabag sa batas, habang tinitiyak na ang bawat aksiyon ng pulisya ay isinasagawa alinsunod sa batas at sa wastong proseso,” saad ni PBGen Cinco.



