OPLAN NAILED ng NOrPPO, nagtala ng tagumpay sa Sibulan, Negros Oriental

0
202

Muling pinatunayan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) na ang tunay na serbisyo publiko ay nakikita sa mabilis na pagkilos, tapat na pagtupad sa tungkulin, at konkretong resulta para sa kaligtasan ng mamamayan sa matagumpay na pagpapatupad ng OPLAN NAILED sa bayan ng Sibulan nito lamang August 13, 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCol Timmar J. Alam, Provincial Director, isinagawa ang serye ng intelligence-driven at inter-agency operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong High-Value Individuals (HVIs), limang wanted persons, at 24 ordinance violators. Nasamsam din ang tatlong baril, humigit-kumulang 158.19 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit Php1.07 milyon, at isang abandonadong motorsiklo.

Higit pa sa mga bilang, ang operasyon ay malinaw na pagpapakita ng layunin ng PNP na agapan ang banta bago pa ito lumala, sugpuin ang kriminalidad, at protektahan ang bawat komunidad.

Pinaigting din ang manhunt operations na nagbunga ng pagkakaaresto sa mga wanted persons, kabilang ang isang Municipal Most Wanted Person at isang suspek na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa multiple murder.

Ang tagumpay ng OPLAN NAILED ay bunga ng matibay na intelligence gathering, mabilis na pagtugon, koordinasyon sa partner agencies, at dedikasyon ng mga police personnel. Sa bawat operasyon, hindi lamang krimen ang hinaharap ng kapulisan ipinaglalaban din nila ang kapanatagan, seguridad, at kinabukasan ng mga pamilyang kanilang pinaglilingkuran, kaakibat ang mantra ng Philippine National Police na  “Bagong PNP Para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Bq2rqCHjk/

Leave a Reply