Rank 10 Most Wanted Person sa kasong frustrated murder, arestado ng PRO6 sa Dingle, Iloilo

0
170
Screenshot

Matagumpay na naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang Top 10 Provincial Most Wanted Person ng Iloilo sa Barangay Matangharon, Dingle, Iloilo, bandang 5:26 ng hapon noong Agosto 14, 2026.

Kinilala ang akusado sa alyas na “CJ,” 23 taong gulang, binata, at residente ng Barangay Jinalinan, Dingle, Iloilo. Siya ay inaresto ng Tracker Team ng Pototan Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder.

Ang warrant ay inilabas noong Hulyo 29, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 68, Dumangas, Iloilo. Nagtakda ang korte ng piyansang PhP200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

“Ang pagkakaarestong ito ay bunga ng masusing pagtutok, koordinasyon, at tuloy-tuloy na manhunt operations ng ating mga yunit. Patuloy nating hahanapin at aarestuhin ang mga taong may nakabinbing warrant upang maiharap sila sa hukuman at matiyak na naipatutupad ang proseso ng batas,” pahayag ni PBGen Randulf Tuaño, Regional Director ng PRO6.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pototan MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ang tagumpay na ito ay bahagi ng malawakang kampanya ng Pambansang Pulisya alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HTtD3DiBm/?mibextid=wwXIfrr

Leave a Reply