Php170K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa tatlong operasyon sa Iriga City, Camarines Sur

0
188

Tatlong magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga ang isinagawa ng Iriga City Police Station (CPS) katuwang ang PDEA Regional Office V at iba pang law enforcement partners sa Barangay San Francisco, Iriga City, Camarines Sur, noong Agosto 14, 2026, na nagresulta sa pagkakarekober ng mga hinihinalang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng Php170,000.00.

Isinagawa ang mga operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga sa lungsod, kung saan nakumpiska mula sa nasabing mga operasyon ang ilang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Matapos ang operasyon, isinailalim ang mga nakumpiskang ebidensya sa wastong pagmamarka, imbentaryo, dokumentasyon at pangangalaga alinsunod sa mga umiiral na batas upang matiyak ang integridad ng mga ito bilang ebidensya habang inihahanda ang mga isasampang kaso sa mga posibleng sangkot ng nasabing ilegal na aktibidad.

Sa pamumuno ni PLtCol Jeric Don P. Sadia, Acting Chief of Police, tiniyak ng Iriga City PNP ang patuloy na pagpapaigting ng mga operasyon kontra ilegal na droga katuwang ang mga concerned agencies, bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan, seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19KyD8S2DJ/

Leave a Reply